81

29 0 0
                                    

hindi naman pipilitin‚
hindi mamadaliin
makakapaghintay naman
ang puso ko‚

dahil katulad mo‚
hindi parin ito handa‚
takot parin na umibig muli–
na mahulog ulit
na mas malalim pa
sa karagatan‚

hindi ko man inaasahan
ang iyong paglisan‚
naiintindihan naman kita
siguro‚ natatakot kang
mahulog ng malalim sa akin?

o kung ano pa man ang rason‚
sana’y mabatid mo na ngayon
hindi kita mamadaliin‚
dahil hindi gano'n ang pag-ibig

hindi kailangang magmadali‚
lahat naman ng bagay sa mundo'y
may oras at panahon na nakalaan‚
pag-ibig ay hindi karera‚
may mauuna man o mahuhuli
ayos lang ’pagkat wala namang pila‚

nais lamang na makasama ka‚
ngunit paglayo ang nadama
pero ayos lang‚ basta't alam kong
nandyan ka pa't naghihintay
patuloy lang ako sa pag-ibig ko sa’yo.

____

A D I R I A N G G

Mga tulang ikaw at ikaw palagi ang paksa On viuen les histories. Descobreix ara